HIV/AIDS
Kahulugan Ang HIV ay isang virus na sumisira sa mga selulang panlaban ng katawan at unti-unting nagpapahina sa immune system.
Maaaring hihina ng lubha ang immune system kapag hindi nagpasuri at nahuli ang paggamot. Sa ganitong kalagayan, dumarami ang virus at unti-unting pinahihina ang panlaban ng katawan na nagdudulot ng iba't ibang oportunistikong impeksiyon. Ang kondisyong ito ay tinatawag na AIDS. Daan/Paraan ng Pagkakahawa Maaaring mahawa ng HIV kapag ang dugo, semilya(semen), likido ng puwerta(vaginal fluid), at iba pa ng taong may impeksiyon ay pumasok sa sugat o nasipsip sa mucuos membrane ng taong walang impeksiyon.
Karaniwang naipapasa ito sa pakikipagtalik nang walang condom at sa paggamit ng iisang hiringgilya (syringe). Pagsusuri at Paggamot Ang mabilisang pagsusuri( sa dugo o sa bibig) ay isang paunang pagsusuri, kapag positibo ang resulta nito isinasagawa ang kumpirmatoryong pagsusuri upang matukoy kung may impeksiyon o wala.
Kapag nahawaan ng HIV, ito ay ginagamot at mino-monitor sa pamamagitan ng pag-inom ng antiretroviral na gamot.
Kapag nagpapagamot, hindi ito nauuwi tungo sa AIDS at ang virus ay naging (U=U) na hindi matukoy na antas.
Kapag ang HIV ay nasa hindi matukoy na antas(undetectable), hindi ito naipapasa sa pamamagitan ng pakikipagtalik.
Sintomas Bagama't ang ilang taong nahawaan ay maaaring makaranas ng mga sintomas tulad ng pagsusuka, pagtatae, lagnat at iba pa sa unang yugto ng impeksiyon, maraming kaso ang lumilipas nang walang sintomas(asymptomatic) kaya mahalaga ang pagsusuri upang matukoy ang impeksiyon.
Pagkatapos mahawaan, sa loob ng ilang taong panahon ng inkubasyon ay unti-unting sinisira ng virus ang sistemang panlaban ng katawan at nagdudulot ng oportunistikong impeksiyon. Paraan ng Pag-iwas Iba't iba ang mga paraan ng pag-iwas sa HIV.
Kabilang sa mga pangunahing paraan ng pag-iwas ay ang paggamit ng condom sa pakikipagtalik, pre-exposure prophylaxis (PrEP), at post-exposure prophylaxis (PEP) at iba pa. Syphilis
Kahulugan Ang syphilis ay isang impeksiyong naipapasa sa pakikipagtalik na dulot ng bakteryang 'Treponema pallidum '. Daan/Paraan ng Pagkakahawa Ang syphilis ay karaniwang naipapasa sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng pakikipagtalik, at maaaring mahawa sa direktang pakikipag-ugnayan kabilang ang oral sex at anal sex.
Lalo na kung may sugat o lesyon sa balat o mucous membrane, tumataas ang panganib ng pagkahawa. Pagsusuri at Paggamot Nasusuri ito sa pamamagitan ng pagsusuri ng dugo at mga klinikal na sintomas, at kapag natuklasan sa maagang yugto, karamihan ay gumagaling sa pamamagitan ng iniksyon ng penicillin.
Gayunpaman, kahit matapos ang paggamot may mga kaso na nananatiling mababa ang resulta ng pagsusuri sa dugo, kaya kinakailangan ang follow-up na pagsusuri. Sintomas Ang mga sintomas ng syphilis ay lumilitaw ayon sa bawat yugto. Sa unang yugto, nagkakaroon ng ulser na hindi masakit sa bahaging pinasukan ng bakterya at sa ikalawang yugto naman ay maaaring magkaroon ng pantal sa buong katawan kabilang ang mga palad at talampakan pati na rin ang pagkalagas ng buhok
Kung hindi magagamot sa mahabang panahon, maaari itong umabot sa ikatlong yugto at magdulot ng pinsala sa sistema ng nerbiyos, puso at iba pang mga panloob ng organ.
Paraan ng Pag-iwas
Kung gagamit ng condom sa pakikipagtalik ay maaaring mabawasan ang panganib ng pagkahawa ng syphilis, at kung may mga sintomas tulad ng ulser o pantal, mahalagang magpasuri upang matukoy kung may impeksiyon o wala at magpagamot.
Hepatitis C
Kahulugan Ito ay isang sakit kung saan nagkakaroon ng pamamaga sa atay dulot ng impeksiyon ng Hepatitis C virus(HCV).
Dahil hindi malinaw ang mga sintomas, kadalasan ay hindi ito namamalayan at natutuklasan lamang sa huli. Daan/Paraan ng Pagkakahawa Ang Hepatiits C ay karaniwang naipapasa sa pamamagitan ng dugo at maaari ring maipasa sa pakikipagtalik kung may sugat at nagkakaroon ng kontak sa dugo.
Dagdag dito, may panganib din ng impeksiyon kapag gumagamit ng iisang hiringgilya, o nagpapalagay ng tattoo o piercing gamit ang mga kagamitang hindi nadisimpekta. Pagsusuri at Paggamot Ang Hepatitis C ay maaaring matukoy kung may impeksiyon o wala sa pamamagitan ng pagsusuri ng dugo. Kapag nakumpirma ang impeksiyon, ginagamot ito sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pag-inom ng oral na antiviral na gamot sa loob ng 8–12 linggo.
Ang mga kasalukuyang ginagamit na gamot ay lubhang mabisa, at kung iinumin nang regular ayon sa reseta, may higit sa 98% na posibilidad ng ganap na paggaling. Sintomas Humigit-kumulang 80% ng mga taong nahawaan ng Hepatitis C ay walang nararamdamang mga sintomas, kaya madaling mangyari na hindi nila namamalayan na sila ay nahawaan.
Sa ilang taong nahawaan, maaaring lumilitaw ang mga sintomas tulad ng pagkapagod at paninilaw ng balat.
Kung hindi gagamutin at pababayaan, maaari itong mauwi sa chronic hepatitis, at kahit walang sintomas sa loob ng maraming taon, magpapatuloy ang pinsala sa atay na maaaring humantong sa cirrhosis (paninigas ng atay) o kanser sa atay. Paraan ng Pag-iwas at mga Dapat Ingatan Dahil ang Hepatitis C ay karaniwang naipapasa sa pamamagitan ng dugo, kinakailangan ang mahigpit na pag-iiwas.
Sa pakikipagtalik, kinakailangang gumamit ng condom upang maiwasan ang pagdikit ng dugo sa pamamagitan ng sugat, at kapag magpapa-tattoo o magpapabutas (piercing), dapat pumili ng lisensiyadong establisimyento na gumagamit ng mga kagamitang maayos na isterilisado
Dagdag dito, hindi dapat kailanman ipinapahiram o ibinabahagi ang mga personal na gamit na maaaring madikitan ng dugo tulad ng pang-ahit, panggupit ng kuko, hiringgilya at iba pa.
Inirerekomenda na magpasuri para sa Hepatitis C, lalo na sa mga nasa hustong gulang na 40 taong gulang pataas na hindi pa kailanman nakapagpasuri para sa Hepatitis C.
* Ang mga nabanggit sa itaas ay para lamang sa sanggunian. Para sa tumpak na impormasyon, diagnosis, at paggamot ukol sa inyong kalagayan, mangyaring kumonsulta sa isang espesyalista.
* Pinagmulan - Ahensiya ng Korea para sa Pag-iwas at Pagkontrol ng Sakit (KDCA), Samahan ng Nakahahawang Sakit sa Korea, Samahan ng Pag-aaral sa Atay sa Korea, Sentro ng Estados Unidos para sa Pag-iwas at Pagkontrol ng Sakit (CDC), World Health Organization (WHO)